Sunday, September 9, 2012

CITY HALL OF MANILA

Huli akong nagpunta sa City Hall ng Maynila nuong Sep 7 2012 upang i pa renew ang na expire na Certificate of Electrical Inspection (CEI) na gagamitin sa muling pagpapakabit ng kuryente sa ipinamanag sa aking bahay sa Arellano.  Muli nagkita na naman kami ng Engr na mukhang pera.  Nuong una ay siningil nya ako ng 968.00 pesos sa pag proseso ng CEI. Sa katunayan ang naturang documento oy nagkakahalaga lamg ng 350.oo Pesos... Ito ba ang tuwid na daan na laging sambit sambit ng ating Pangulong P noy..At sa ikalawang pagkakataon siningil nya ako ng 700.00 pesos...Muli ito ba ang tuwid na daan?  Kung di ko lang tlaga kailangan ang dokumento at dahil wla na ring kuryente ang aking bahay sa kabila na may nakatira na
ay dadaan ako sa tamang proseso... Napa isip ako kung ilang tao ang nagbibigay sa kanya ng 700 hanggang 1k Piso sa isang araw ay tiyak na mayaman na ang Engr na nilapitan ko....

Nakakapanlumo na may mga ganitong tiwaling kawani ng Gobyerno ang ating bayan. Wala na ba talagang tuwid na kawani sa City Hall ng Maynila? At kung meron man ay tiyak na mabibilang mo lang sa yong daliri ang gumagamanap sa kanyang tungkulin ng tama...

Taga Maynila AKO at PILIPINO AKO ngunit bakit mo ako ginaganito???

Engr ELMER SANTOS magbago ka nawa sa iyong maling gawa.....Dalangin ko na patawarin ka ng Poong Nazareno sa mga kasalanan mo sa mamamayan ng Maynila....

Saturday, August 25, 2012

QUIAPO

Banal na lugar na pinaliligaran ng mapangahas mapagsamantala at mga banal na aso't kabayong nag aanyong tao


Nais ko lang naman ipabatid sa inyo at ibahagi ang hindi ko makakalimutang mga karanasan sa Quiapo.
Kung iisipin ang Quiapo ay isang lugar na pinanghuhugutan ng pag asa at milagro dahil sa Poong Nazareno.
Ang Quiapo din ay sentro ng komersyo sapagkat sa dami ng tao dito lahat na ng produktong mura ay matatagpuan na d2.  Sentro din ito ng mga pangunahing transportasyon na kung saan makararating ka sa ibat ibang bahagi ng metro.

Ang kinalulungkot ko lang ay ito ay parehong lugar na pinamumugaran ng mga masasamang tao. Ako ay minsang napadaan sa lugar na ito bitbit ang aking backpack. Dahil ako ay isang deboto ng Mahal na Poong Nazareno ako ay nagsimba dito.  At dahil ang pupuntahan ko ay Legarda na kung saan andun ang terminal ng bus na aking pupuntahan. Hindi lingid sa aking kaalaman ang aking pitaka na nakalagay sa bandang harapan ng aking bag ay nakuha na pala. Naglalaman ng 2500 pesos at mahahalagang I D  ay nanghinayang ako.  Napa isip tuloy ako kung bakit nangyari sa akin ito. Kapwa ko Pilipino...Bakit mo ako ginanito?

Ang tanging inisip ko na lamang ay ang bigat ng konsenya at kasalanan ay dala dala at lubos akong naawa sa kanya.  Ang pananampalataya ko ay nasubukan at naniniwala akong Higit sa nawala sa akin ang kapalit nuon bastat patuloy lang akong mananalig sa Poong Nazareno.....

Ito ay ikalawa ng beses na nangyari sa akin. Ang una ay pagkakadukot naman ng aking cellpone sa mismong bulsa ng aking pantalon ng akoy sumalang sa prusisyon ng Poong Nazareno.. Ngunit ang kapalit nuoy naka aalis ako ng bansa at nakapagtrabaho dun at 2 cellphone pa ang aking na pag may ari.. Tunay na ang nawawala sa yo ay papalitan nya ng sobra pa sa iyong pangangailangan.

Kaya sa aking kababayang Pilipino ang pag gawa ng mabuti siksik liglig ang inaani.. Ang pag gawa ng masama bigat ng konsensyat sa Dyos ay Pagkakasala.  Makatarungan ang Panginoon at Parehas sya kung Humatol Tol. Ang kalapastanganan sa kapwa mo Pilipino ay Pag yurak din sa bayan Mo!